Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2019

Pagbabago Tungo sa Mabuting Kinabukasan

  Ang inaasahan ko ngayong taong 2019 ay pagbabago, pagbabago na kung saan ang maling mga gawain ay mapapalitan ng mabubuting  gawa. Mahirap ngunit kailangan upang ang bawat isa'y magkaroon ng kapayapaan kung saan hindi lamang ang kapakanan natin ang iniisip kundi ang nakararami. Bawat taong nagdaraan ay mga bagong isyu ang ating kahaharapin ngunit huwag na huwag tayong padadaig sa mga problemang Ito sa halip gawin natin itong aral sa ating buhay at huwag magiging dahilan upang tayo'y panghinaan ng loob.   Isa pa sa inaasahan kong mangyari sa 2019 ay ang pagusbong ng teknolohiya sa ating bansa. Numero uno na dito ang pagbilis ng "data connection" sa ating bansa. Isa ang Pilipinas sa may mahinang "data connection" sa buong mundo. Inaasahan ko na ngayong 2019 ay magkakaroon ng pagbilis ng "net" upang sa ganoo'y mabilis tayong makakonekta sa ating mahal sa buhay saan man tayo naroroon.   Narito ang pinakahuling nais kong mangyari sa taong 2019.