Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2020

Pag-ibig, Handang Hamakin ang Lahat

      Marahil karamihan ng mga tao lalo na ang mga kabataan ngayon ay naranasan na kung paano umibig o magmahal ng isang tao. Sabihin na nating ang pag-ibig ay isa sa pinakamakapangyarihang bagay o salita sa buhay natin. Nasasabi ko ang mga ito dahil aminin man natin o hindi, kaya nitong makapagpabago ng isang tao, masama man o mabuti ang dulot. Ang tinutukoy kong pa-gibig ay patungkol sa magkaibang kasarian.      Ano nga ba ang pag-ibig?.Maraming tao ang nakararamdam nito, may mga taong maswerte sa pag-ibig at may mga tao ring hindi pinalad sa pag-ibig. Isa ka rin ba sa mga taong nakararamdam ng pag-ibig? Kung isa ka rin sa nakararamdam nito makinig ka sa sasabihin ko. Masaya ang makaramdam ng pagmamahal, iyong tipong hindi siya maalis sa isip mo kahit san ka magpunta at kahit anong gawin mo lagi siyang tumatakbo sa isip mo. Sobrang sarap magmahal ngunit may kaakibat na sakit at doble pa kapag nasaktan, may mga pagkakataong kailangan mong sumugal o mamili kahit labag man sa kaloob