Skip to main content

Pag-ibig, Handang Hamakin ang Lahat

 
    Marahil karamihan ng mga tao lalo na ang mga kabataan ngayon ay naranasan na kung paano umibig o magmahal ng isang tao. Sabihin na nating ang pag-ibig ay isa sa pinakamakapangyarihang bagay o salita sa buhay natin. Nasasabi ko ang mga ito dahil aminin man natin o hindi, kaya nitong makapagpabago ng isang tao, masama man o mabuti ang dulot. Ang tinutukoy kong pa-gibig ay patungkol sa magkaibang kasarian.
     Ano nga ba ang pag-ibig?.Maraming tao ang nakararamdam nito, may mga taong maswerte sa pag-ibig at may mga tao ring hindi pinalad sa pag-ibig. Isa ka rin ba sa mga taong nakararamdam ng pag-ibig? Kung isa ka rin sa nakararamdam nito makinig ka sa sasabihin ko. Masaya ang makaramdam ng pagmamahal, iyong tipong hindi siya maalis sa isip mo kahit san ka magpunta at kahit anong gawin mo lagi siyang tumatakbo sa isip mo. Sobrang sarap magmahal ngunit may kaakibat na sakit at doble pa kapag nasaktan, may mga pagkakataong kailangan mong sumugal o mamili kahit labag man sa kalooban mo ang makasakit ng iba, hindi mo ito maiiwasan dahil ganyan kalakas ang pag-ibig sa isang tao. May mga tao rin namang nang dahil sa pag-ibig natututo ng gumawa ng mali at kayang gawing bola ang pagibig,  kaya nilang paikutin at paglaruan hangga't gusto nila. Kung kahapon sinabihan ka niyang mahal ka niya at hindi ka niya kayang mawala sa buhay niya, kinabukasan may bago nang kinakalamparing iba.
     Maraming mga tao lalo na ang mga kabataan ang nalilihis ng landas dahil maling desisyon sa buhay, maagang nabubuntis dala ng kapusukan at sobrang pagmamahal. Handa nang ibigay ang lahat para lang sa taong pinakamamahal, hindi na iniisip ang magiging kinabukasan kung ano ang posibleng maging kahahantungan ng mga desisyon, at isa pa ang mga sakripisyo ng mga magulang mapag-aral lamang tayong mga anak, makapagtapos at maging kasiya-siya sa kanila.
      Marami ring tao ang mas gusto nalang kitilin ang buhay sa isang iglap para lang makawala sa sakit na nararamdaman, kapag sila ay iniiwan at sinaktan ng taong mahal nila. Hindi masama ang magmahal o umibig, masaya ito lalo na kapag nakilala mo 'yong taong tunay at tapat sa pag-ibig niya sayo 'yong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang handang iwasan ang lahat ng pinagbabawal mo huwag mo lang siyang iwan, mamahalin ang mga magulang mo gaya ng pagmamahal niya sayo at ang higit sa lahat 'yong taong iniibig ang Diyos at may kinikilalang Hesus sa buhay niya.
      Natural lang sa atin ang umibig ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon puro kilig at saya ang mararamdaman natin, may mga pagkakataong puro bangayan at kalungkutan ang nararamdaman ng isang magkasintahan pero hindi dapat iyan tinatapos sa hiwalayan lahat ng iyan ay mapapag-usapan upang magtagal ang binuong pag-iibigan.

Comments

Popular posts from this blog

About Myself

Hello mabuhay, You are welcome to my Blog, I am John Mike Castillo. A simple man with big dream, I am18 years of age I lived in the beautiful place of Tondol Anda Pangasinan. I was studying in Tondol National High School. My father's name is Joseph Castillo and my mother's name is Mercy Castillo. My hobbies are playing online games especially mobiles legends when i feel bored, I also love anything about technology. I hate someone who are using my stuffs without asking me a permission. My dream job is ECE( Electronic and Communication Engineering). I love subjects that are related about technology because I feel excite and I want to explore new things about new technology nowadays. When I have stable job in the future I want to help persons especially my fellow Filipino who are really need my help.

Pagbabago Tungo sa Mabuting Kinabukasan

  Ang inaasahan ko ngayong taong 2019 ay pagbabago, pagbabago na kung saan ang maling mga gawain ay mapapalitan ng mabubuting  gawa. Mahirap ngunit kailangan upang ang bawat isa'y magkaroon ng kapayapaan kung saan hindi lamang ang kapakanan natin ang iniisip kundi ang nakararami. Bawat taong nagdaraan ay mga bagong isyu ang ating kahaharapin ngunit huwag na huwag tayong padadaig sa mga problemang Ito sa halip gawin natin itong aral sa ating buhay at huwag magiging dahilan upang tayo'y panghinaan ng loob.   Isa pa sa inaasahan kong mangyari sa 2019 ay ang pagusbong ng teknolohiya sa ating bansa. Numero uno na dito ang pagbilis ng "data connection" sa ating bansa. Isa ang Pilipinas sa may mahinang "data connection" sa buong mundo. Inaasahan ko na ngayong 2019 ay magkakaroon ng pagbilis ng "net" upang sa ganoo'y mabilis tayong makakonekta sa ating mahal sa buhay saan man tayo naroroon.   Narito ang pinakahuling nais kong mangyari sa taong 2019.